Ministeryo ng Tuwa

By Rev. Vic Vergara
E-mail: viverg@yahoo.com

2 Tim. 1:16 ?18

Pagkalooban nawa ng panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagkat madalas niya akong pinagiginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala. Kundi nang siya’y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako ay nasumpungan niya. Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng panginoon sa araw na yaon; at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.

Nang mga huling araw sa buhay ni apostol Pablo siya ay nakakadena sa loob ng kulungan sa Roma. Hinihintay niya ang huling pakikipagkita kay Ceasar at ang kanyang hatol. Kahit sa ganitong kalagayan si Pablo ay nanatiling matatag sa pananalig. Ngunit bilang tao, kagaya mo at kagaya ko, nararamdaman ni Pablo ang mga hirap sa kanyang kalooban. Si Pablo ay nakaranas na ng “House arrest?at maaari siyang makipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Ngunit sa kalagayan niya sa Roma siya ay nasa Well(Dungeon) Nangangahulugan siya ay nasa malalim na balon na kahit hayop ay aangal sa hirap.

Sa 2 Tim. 4:9-18 ay napapaloob ang ilang mga malalapit na tao kay Pablo na nagbigay sa kanya ng kalungkutan at katuwaan. Damahin natin ang kalungkutan ni Pablo. Nais niyang may makaalala man lamang sa kaniya. Maraming mga tinuruan niya ang nakalimutan na siya dahil sa kahihiyan ng kanyang kalagayan. May mga nagtatuwa sa kanya. Marahil ay sinasabi ng ilan, “tingnan mo ang nangyari sa Pastor mo? Kapag kasama si Pablo ay parang maamong kordero ngunit kapag wala si Pablo ay hindi kinikilalang Apostol niya. Ngunit sa panahon ng madidilim na araw, kawalan ng kahusayan ( discomfort ) kabiguan at kalituhan, ang Panginoon ay nagpadala ng magbibigay ng kasiyahan kay pablo.hindi natin siya kilalang mabuti, siya ay si Onesiforo. Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay “profit-bringer?o sa mababaw na salin ay “tagadala ng pagpapala.?At sa buhay ni Pablo si Onesiforo ay naghahatid ng kagalakan na sa gitna ng hapis at kalungkutan ay nagpapatibay sa lingkod ng Diyos. ( 2 Timothy 1:16 ?18)

Ipinakikilala ni Pablo si Onesiforo na isa sa nagbibigay sa kanya ng kalakasan. Si Onesiforo ay nasa ministeryo ng tuwa. Ito ay napakahalaga sa loob ng Iglesya. Ang ministeryong ito ay nagpapalakas, nagpapatibay, nagbibigay sigla sa mananampalataya. Isipin na lang natin, sa tuwing magtitipon ang mga mananampalataya, at masikip ang lugar,mainit at maraming pinagpapawisan. Ikaw ay tumayo at binuksan ang bintanang mahirap buksan, o umuwi ka sandali at kinuha mo ang inyong electric fan o pinahiram mo ng pamaypay ang nahihirapan, tandaan mo isa ka sa kasapi ng ministeryo ng tuwa. Nais mong maginhawahan ang lahat kahit na ikaw ay hindi komportable sa iyong nararamdaman. Makita mo lang ang iba na nasisiyahan ay masaya ka na rin. Nadarama mo ba ito?

Ang gawain ni Onesiforo ay upang mapagtibay ang mga napipighati dahil sa problema, at hindi ang siraan ang lingkod ng Diyos para siya ang makilala. Ang kalagayan ko sa Korea ay hindi biro. Hindi ako nagtungo dito para magpasarap at pagpayaman dahil hindi trabaho ang ipinunta ko dito. Ako ay umaasa lamang sa Biyaya ng Diyos. Ako ay isang missionerong nag-aaral sa Kwangshin University. Ang malayo sa mga anak ay isang sakripisyo at lalong higit sa lahat ang malayo sa pamilya ng Diyos sa Greenland na itinuring kong pamilya ay pawang kalungkutan. Narito ako sa Korea upang tuklasin ang mga nangyayari sa Korean Church at pag-aralan ang kasaysayan ng Iglesya. Bawat araw ay maraming luha ang aking inuubos sa pag-aalala sa aking mga naiwanan. Ang pagnmamahal ng Panginoon Hesus sa Iglesya na ibinuhos sa aking puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay siyang nag-uudyok na madama ko ang wagas na pagmamahal sa Iglesyang aking pinaglingkuran. Naniniwala ako na ang puspos sa Espiritu ay mauunwaan kung ano ang aking ibig sabihin. I have felt like a father to them. Kung ito rin ang nadarama ng aking mga naturuan at kinikilala nila akong ama sa pananampalataya naniniwala akong walang pwedeng pumalit sa akin sa kanilang puso. Maaari bang palitan ang iyong tatay ng bagong tatay dahil sa hindi na karapat-dapat? Ganon din sa Diyos, kapag tunay tayong nagkaroon ng kaugnayan sa Diyos, hindi ka pababayaan ng Diyos. Kapag tatay mo ang Diyos kailan man ay ipagtatanggol ka ng Diyos.

Tulad ko, nangangailangan ako ng magpapalakas sa aking pananampalataya. Katulad ni Pablo, apostol ni Cristo ay nagagalak kapag may nakaaalala sa kanya at hindi nahihiya sa kanyang kalagayan. Bilang nasa ministeryo ng tuwa, si Onesiforo ay nagdadala ng kagalingan sa mga nabibigatan at nagugulumihanang mga lingkod ng Diyos. Ano ang nag-uudyok kay Onesiforo sa ministeryo ng Tuwa?

1. Mayroon siyang wagas na pagmamalasakit ( 1:16b, 18b )

Mayroon siyang tunay ng pagmamalasakit sa mga kapatiran. Marami siyang pinalakas. Masarap pakinggan kapag may nagsabi sa iyo ng, “kung may maitutulong ako tawagan mo lang ako.?Ngunit ang taong may tunay na pangangailangan ay hindi nagsasalita. May mga lingkod ng Diyos na sinasamantala ang kabutihan ng miyembro para sa kanyang pansariling kapakanan. Ngunit ang tunay na naglilingkod sa Diyos kahit may problema o nasa kapighatian ay kalakasan pa rin mula sa Salita ng Diyos ang lumalabas sa kanyang bibig. Si Onesiforo, kahit hindi ka magsalita ay nadarama niya ang pangangailangan ni Pablo.

2. Hindi Niya alintana ang sasabihin ng tao. 1:16c

Sa gitna ng nakakahiyang kalagayan ni Pablo, hindi inalintana ang sasabihin ng iba basta nadarama niyang kailangan siya ng lingkod ng Diyos. Sinabi ni Pablo na si Onesiforo ay hindi nahiya sa kanyang kalagayan. Ang panahon ni Pablo ay pinahahalagahan ang karangalan. Kaya kahit sa loob ng Iglesya ay may mga miembrong madaling mahiya kapag ang kanilang lider ay nalagay sa alanganin. Hindi lahat ay natuwa sa pagkakakulong ni Pablo at bilang namumuno sa Iglesya ay kahiya-hiya.

Katulad din ito ngayon na kapag nalagay sa kahihiyan ang lingkod ng Diyos ( hindi dahil sa siya ang gumawa ng kahihiyan ) kundi naging biktima ng mga pangyayari dahil sa siya ay Pastor mabilis na itinakwil ng Iglesya. Ngunit salamat sa mga Onesiforo sa loob ng Iglesya na hindi agad ikinahihiya ang lingkod ng Diyos bagkus pinalalakas at pinatitibay ang pananalig upang kapag makabangon ay gamitin ng Diyos sa mas mataas na antas ng paglilingkod.

Bakit ako nakatayo at matibay na naglilinkod kay Cristo? Nagsisikap na kahit narito sa Korea ay pinagsisikapan kong makapagmensahe. Naalala ko si John Crysostom ng ipadala sa malayong lugar para ilayo sa kanyang Iglesyang pinaglilingkuran ay matiyagang nagpapadala ng liham sa Iglesya para magbigay ng kalakasan. Ang panahon niya ay kaiba sa panahon natin ngayon. Ngayon kahit nasa ibang bansa ka ay parang kapitbahay na lang dahil sa Internet. Kaya naisip kong gumawa ng mensahe at ilagay sa Website para sa aking mga naiwang miyembro. Bakit ako nakatayo at matibay na naninindigan kay Cristo, at nagsisikap upang maging epektibong lingkod ng Diyos sa ating Bansa? Dahil sa mga Onesiforo sa Greenland Christian Church at sa ibang pang iglesya na nakakailala sa akin at nadarama ang aking pangangailangan, kahit hindi ako nagsasalita ay sapat na upang maunawaan nila ang aking nadarama.

3. Buo ang loob na gawin ang kanyang tungkulin 1:17

Alam niya na sa kanyang gagawin ay hindi lang si Pablo ang lumalakas kundi ang buong Iglesya. Kahit saan lugar si Paul ang naroon ang determinasyon ni Onesiforo na maipaabot ang kanyang pagmamalasakit. Habang ako ay nasa Korea, alam ng Diyos na kailangan ko ng kaaliwan, at hindi sapat ang Iglesyang kumupkop sa akin kundi ang pamilyang hinubog ng Diyos sa pamamagitan ko. I love Greenland Christian Church dahil dito ako ay minulat ng Diyos bilang isang lingkod. Sa siyam na taong pangangaral ko ni isa ay walang naglakas ng loob na mag-abot ng isang basong tubig sa pulpito. Mabuti pa ang mga iniimbita ko ay may nagdadala ng tubig dahil ipinaaalala ng kanilang kasamang miyembro. Minsan naitanong ko sa aking sarili, ?kinikilala kaya akong lingkod ng Diyos sa Iglesyang ito o isa lamang ako sa kabiruan nila? Sa biyaya ng Diyos ay aking naunawaan na ang tunay na naglilingkod sa Panginoon ay nagpapatuloy sa paglilingkod kahit walang nakaaalala. Ang paglilingkod sa Panginoon ay mahirap at masarap na karanansan. Mahirap dahil sa “Shock absorber?ka ng lahat ng problema. Masarap dahil mapapatunayan mong tapat ang Diyos na iyong pinaglilingkuran. Sa bandang huli ay nagpapadala siya ng mga Onesiforo na magbibigay ng kalakasan upang ikaw ay makapagpatuloy sa paglilingkod.

At ang maliit na kabutihan na minsan ay hindi natin pansin, ay napakalaking bagay sa taong nagawan nito. Ang nais kong ipakahulugan ay ikaw at ako ay kailangan maging miyembro ng ministeryo ng Tuwa. Mayroon ka bang alam na taong nangangailangn ng iyong tulong? Mga taong pagod sa kanilang karamdaman, malungkot ng kalagayan, nasa kabiguan, hindi alam ang bukas. Naniniwala akong inaabot ng Diyos ang mga ito sa pamamagitan ng himala ngunit sa pamamagitan din ng mga Onsiforo na kanyang tinawag. Maaaring Ikaw!

NEXT